Nagbabaon na ako sa school! Parang balik ako during my highschool days na I need to bring my own baon na kanin and ulam! Pero actually nakikikain lang naman ako noong highschool ako sa mga classmates ko na nagdadala ng baon! Spoon and fork lang naman talaga ang dala ko lang noon! Pero by this time naman nagbabaon na talaga ako ng kanin and ulam kung kelan naman naging college student ako di ba?
Pero enjoy naman ang pagbabaon! Nabubusog na ako at nakakatipid pa ako! At tsaka enjoy rin ang sharing ng mga baon baon eh!
Kanina din naexperience ko ulet umuwi na ang daan ay sa SM Fairview! Matagal tagal na din kasi bago ulet ako umuwi sa route na yun, first year college pa yung last na doon ang route ko pauwi, may balak kasi rin akong bumili ng Havainas doon. Pero ang experience ko naman ay talagang ibang klase! Hapon na kasi ang uwi namin, kaya expected ko na rin na tayuan kami sa bus, di na kami nagFX kasi mahal at tsaka matagal din ang hihintayin mo para makasakay! Ang sikip sa bus kasama ko yung classmate ko na si JL! Nakatayo na nga kami sa bus pero same price pa rin ang binayad namin kagaya ng nasa mga nakaupo! Grabe ang tagal kong nakatayo doon at nakikipagsiksikan pero medyo okay lang naman kasi may cute din na nakatayo doon! Ang cute niya, lagi nga akong napapatingin sa kanya eh, ang puti niya at tsaka ang tangos pa ng ilong! Naunang nakaupo sa akin si JL, tapos noong may dalawang mag-asawa na bumaba edi may dalawang vacant seats doon, may umupong isa, akala ko naman si cutie guy ay magpapaka gentleman at ibibigay na lang sa akin yung isang vacant na seat! Edi nageexpect ako na papaupuin niya ako! Di naman pala! Assuming! Hahaha! Nakaupo rin naman na ako noong nasa bandang Litex na ako. Ang tagal ko pa namang naghintay na may aalis para makaupo ako. Nakaupo nga ako kung kailan naman malapit na kami sa SM!
Noong nasa SM na kami sinamahan ko muna si JL na magpapicture para sa passport niya. Tapos pumunta para magtingin ng Havianas kaso naman yung super type kong slippers di kasya sa akin kahit yung biggest size nila di naman kasya sa akin. Sayang lang din tuloy yung effort kong magtravel at tumayo! Hinahabol ko kasi rin yung discount ng store, sayang! Next time na lang siguro!
Mag-iipon pa ako para makabili ako ng ipod! I like it! Itutuloy ko talaga tong pagtitipid ko. Dapat bago mag end itong sem na to may Havianas na ako at tsaka ipod! Aja!
This episode is named after a song by Paula Cole.
Written by psaw at 10:38 PM.