medyo nakakalungkot ngayon dito ulit sa bahay,pero wala akong magagawa kailangan masanay na ako.
kasi naman ba,parang kailangan lang umuwi si daddy dito sa bahay,actually noong saturday lang siya umuwi dito sa bahay.nakakamiss rin si daddy.dati kasi noong bata pa ako dahil hindi kami close ni daddy gusto ko lagi siyang wala dito sa bahay.pero ngayon gusto ko nandito na rin siya.grabe bigla ko tuloy namiss si mommy.
yung mga kulitan naming tatlo,yung mga luto nilang dalawa,yung mga pagbobonding namin!
tapos kagabi umuwi na agad si daddy sa probinsya namin,hindi ko man lang siya nakasama ng matagal kasi may pasok ako noong saturday tapos nagtagal pa ako sa SM kasi naman yung mga classmates ko.talagang sinisi sa mga classmates!hahahahahahaha!
namimiss ko na silang dalawa.
sana mayaman na lang kami kagaya ng palagi kong wish para di na nila kailangan magpaka layo.
nakakalungkot kaya maiwan dito sa bahay kasama ng isang nakakabagot at boring na tita,na hindi masarap magluto!nakakainis!hay!
This episode is named after a song by Lindsay Lohan.
Written by psaw at 07:35 AM.
Add a Comment