PunkNDisorderly
November 4, 2009

On and On

Finally nakapag enroll na rin ako sa wakas! Salamat naman! Nadagdagan ko na rin yung isang subject na kailangan ko para masabing 21 units ang kinuha ko ngayon! Pero di naman biro ang pinagdaanan ko kanina ah! Grabeng pahirap sa akin para lang ma-add ko yung isang subject na yun! Kung anu-ano ang ginawa ko at kung saan saan pa ako pumunta!

 

First pumila ako para cashier para i-pareprocess yung mga subjects ko para ma-iadd ko yung kulang kong subject. Nagbayad pa ako ng Php 50 doon! Tapos noong bumalik na ako sa room para mag-encode ng grades yung babae na pinakitaan ko ng resibo na magpapaprocess ako bigla naman niyang prinint yung schedule ko kahit wala pa akong nadadagdagan! Di pa ako nakakapag-encode prinint na niya! Kaya naman ayun, noong bubuksan ko na yung site para makapag enroll ako online, wala na sabi already printed na at kailangan ko na daw magbayad! Kaya sinabi ko sa babaeng nagbabantay doon! Tapos pinapunta niya ako sa MISD para i-pacancel yung confirmation ko na magbabayad na sa bank. Noong okay na at napacancel na nga sa MISD balik na naman ako pag-encodedan tapos noong bubuksan ko na ayaw na naman! Proceed na daw sa bank para magbayad! Balik na naman ako sa MISD para tanungin kung bakit nga ba ganun! Tapos parang naiinis na ata yung babae dahil pabalik balik ako! Nakasimangot na siya! Tapos sabi niya cancel na daw yung confirmation at pwede na akong makapag-add ng subject! Balik na naman ako sa pag encodan para i-try ulet! Noong umupo na ako para mag-encode, talagang napadasal ako na sana okay na siya at makapag encode na sana ako! At finally naman nabuksan ko siya at nakapagdagdag na ako ng subject! Tapos pipila pa ako para magbayad sa cashier ng pagkahaba haba! Pero sa bank na ako nagbayad para naman naka aircon kami habang naghihintay!

 

Biruin mo naman from second floor to ground floor, pabalik balik ako! Nakakapagod naman yun di ba? Para lang sa isang subject kung anu-ano ang inabot ko! Grabe naman talaga yan! Nakakainis! Pero at least complete na ako ng 21 units! Thanks po!

 

Ayaw ko ng maranasan ang ganito! Ang laking pinsala at kabang ibinigay sa akin niyan!

 

Sa monday na ang pasukan! Another chapter na naman ito ng buhay ko! Hehehe!

 

This episode is named after a song by Utada Hikaru.


Written by psaw at 11:49 PM.

Add a Comment



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Ladies and gentlemen! You're welcome to the freakshow! It's official and you're seated in the front row. Don't you blink cause you're about to see some heads roll. Live and direct - full on effect!

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

credits

Layout © Up4Grabs
Site powered by Tabulas

Blog owned by psaw