Mabuti naman medyo okay na tong ngipin ko! Grabe ang pahirap sa akin nito! Halos buong linggo akong pinaparusahan nito! Over sa sakit! Doon sa may bandang wisdom tooth ko yung diperensya, namamaga siya, ewan ko ba kasi parang may mali sa pagtubo niya di ko lang alam kasi naman noong nagpadentist kami noong nandito pa si mommy, wala naman sinabi yung dentist na may diperensya or mali sa ngipin ko. Grabe ang pahirap nito sa akin, di ako nakakatulog sa gabi dahil sa sobrang sakit niya pati na nga rin yung ulo ko sumasakit, affected na sa toothache ko! Di na nga ako masyadong makapagdaldal sa school dahil dito! Pahirap talaga! Kinarma na naman siguro ako, may fault rin naman ako kasi to tell you the truth, di talaga ako kasi nagtotoothbrush sa gabi bago matulog! Nakakatamad kasi pero nagtotoothbrush naman ako sa umaga bago pumasok ah sa gabi lang talaga ang hindi! Hahaha!
Kaya naman sana magtuloy tuloy na tong recovery ko from this parusa! At talaga namang pag umayos na tong ngipin na to palagi na akong magtotoothbrush bago matulog! Ngayon alam ko na ang hirap! Para di ko na maranasan to!
***
Habang nakaupo ako sa jeep kanina papuntang bayan sa kalagitnaan ng traffic may mga naisip akong bagay bagay. Dati noong bata ako lagi kong sinasabing gusto ko maging isang good role model para sa mga youth, naisip ko naman isa nga ba akong good role model ngayon? Hindi! Kasi naman isa akong taong palamura, tamad, mahilig mangopya, ni hindi man lang ako magsimba every sunday. Naisip ko tuloy dapat magbago na ako! Kailangan ko ng tanggalin ang pagmumura ko at dapat na nga akong magsipag sa pag-aaral at dapat marunong na ring magtipid, di na ako dapat gastos ng gastos! Dapat magsimba na rin para magpasalamat sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko araw araw!
Namimiss ko na rin si mommy and daddy! Lalo na kapag yung ulam namin may taba, yung taba hinahagis ko sa plato ni daddy kasi ayoko kumain ng taba eh! Tapos namimiss ko din yung kapag nag-aasaran si mommy and daddy!
Sana masaya ang pasko namin this year, kahit nasa HK si mommy. Malapit na rin naman na yung graduation, ako naman ang maglilingkod sa kanila. Di na nila kailangan magpakahirap at magtrabaho sa malayo.
Itong blog title na kinuha ko from a song title is very memorable. Yung song kasi reminds or brings back memories. Favorite namin to ng friend ko na nasa Canada ngayon, at tsaka parang itong sa to yung lagi naming kinakanta ng mga highschool friends ko, ang ganda kasi ng meaning ng kanta. Namimiss ko tuloy sila, namimiss ko tuloy yung highschool.
This episode is named after a song by Stacie Orrico.
Written by psaw at 11:30 PM.